karius
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Social Climber 101

Go down

Social Climber 101 Empty Social Climber 101

Post by Admin Sun Jan 26, 2014 2:31 pm

Social Climber 101 15EPpp2

"HINDI AKO KATULAD NYO!" ito ay isang katagang o kaisipan nag isang social climber na halos mag sort na siya kung sino lang ang kakausapin at kakaibiganin niya. Una sa lahat ano ba talaga ang Social Climber? sila yung mga trying hard na pasosyal ngunit hindi naman naaayon sa kanila katulad ng mga taong bumibili ng first class gadgets para ma express lang nila kung anong social status nila even na nasa low class lang sila. The major disadvantage nito is nagiging spoiled child ang isang tao dahil gusto nilang ipakita sa mga friends niya na nasa ELITE CLASS siya.

Sa community natin may iba't ibang classes tayong tinatawag at para malaman natin kung saan tayo nabibilang:


◙ LOW CLASS - sila yung mga taong masaya na makakain lang ng 3 beses sa isang araw, nabibilang din dito ang mga taong mga tambay at walang patutunguhan, nag aaral sa mga publikong paaralan sa kabukiran, yung mga damit at cellphone nila ay mumurahin.


◙ MIDDLE/MID CLASS - sila yung may kaya at nasusustensyahan ang pang araw araw na buhay. kabilang dito ang mga taong nag aaral sa maayos na pampubliko at pribadong paaralan, nakakasakay sa jeep, motorsiklo at mga pribadong bihikulo, sila yung mga nasa katamtaman lang.


◙ HIGH/ ELITE CLASS - eto yung pinakamataas na tinatawag nating "MAYAMAN". sila yung sobra sobra o higit pa ang kinakain sa isang araw, nakakakain sila kung anong oras nila gustuhin at nabibili nila yung mga mamahaling pagkain na halos pag kinumpara mo ang presyo ay pag isang linggo na ng nasa mababang class, karamihan sa kanila ay nag aaral sa sikat na pribadong paaralan, may mga sariling vehicle na hatid sundo, nagshoshopping sa SM, at iba pa.


sa mundong ito hindi natin maiiwasan ang mga social climbers kasi gusto nila makabilang sila sa kung anong gusto nilang class pero karamihan ay pinagsisiksikan nila na maging ELITE. Eh pano naman ang mga Social Climbers? may iba't ibang uri din ba? - oo, based sa observation ko at sa ibang source eto yung mga iba't ibang klaseng Social Climbers; credits yung ibang terms kay Olympia



◙ Engliserong bisaya - eto yung mga feel na feel nila ang pageenglish nila pero mali mali naman at medyo may accent ng bisaya, aling dionisia? Haha


◙ Branded fella! - yung mga taong may mga branded na damit tapos todo todong paexpose. Ano naman? kahit anong mahal ng damit mo, kung hindi naman bagay sa'yo eh magmumukha ka niyang chipipay. kadalasan ang mga taong ito ay naka JANSPORT BAG, WOW! YAMAN!


◙ Taglisher- "Hey! I want that! then yun at ayan etc." yung mga taong nagtataglish na pasosyal tapos sobrang arte pag nakikipagusap. yung mala Rufa Mae Quinto. gaaawsshh!


◙ Photografeel - "click! Click!" yung mga taong pinipicturan lahat ng nagyayari sa kanilang buhay, kadalasan yung mga masasarap na pagkain tapos pinopost sa social site's. Lalo na sa Starbucks, picture picture muna lalo na yung Kape na may pangalan niya sabay ipopost. Gusto mo atang malaman ng ibang tao na nakakaafford ka ng mamahiling kape. eto pa yung tinatawag nating PASSION este FASHION, kailan pa naging kwintas ang mga DSLR aber?


◙ TECHIE-KUNO - "may cellphone ka? - oo, iPhone 5 LED-backlit IPS LCD, capacitive touchscreen, 16M colors Corning Gorilla Glass, oleophobic coating" AY WOW IKAW NA! HAHA SIGE KANIN MO NA YAN HAHA pero ito yung mga taong papangalandakan na may high class gadgets at imemention pa talaga pwede namang sabihing may cellphone sya. idagdag natin yung mga nakasakay sa jeep tapos sobrang expose sa phone habang nagtetext o nagmumusic. WOW ANG YAMAN NAMAN NG TAONG TO!


◙ Facebook and Twitter updaters - “Oh my god I am craving for *insert mamahaling food here*” or “Here at *insert place here*” - ANG OA MO NA TE! EDI BUMILI KA! kailangan talagang ipakita sa buong mundo na gusto mo nyan? bakit? bibigyan ka ba? sila yung mga taong ULTIMO UPDATERS sa Facebook at Twitter. isama na din natin yung nasugatan lang oh kaya nagkapasa talagang ipopost pa? baka naman gusto mong lang ma expose yang legs mo. BIGYAN NG KAPNUDELS!


◙ Bonjour Starbuko! -
yung mga tambay sa starbucks na pakapekape lang tapos ang motibo lang naman ay makakuha ng picture with kape na may pangalan niya. aba hindi biro ang kape dun, nagsusunog ka ba ng pera? ginawa mo nang tambayan ah saan galing ang pera mo? wala ba kayong kape sa bahay nyo? wala bang nabibiling kape sa tindahan? oh gusto mo lang manglalake/mangchicks?

Social Climber 101 Sarcasm-starbucks-social-cimer-tumblr
Admin
Admin
Administrator
Administrator

Posts : 44
Points : 4901
Reputation : 0
Join date : 2011-10-23

https://karius.niceboard.com

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum